Thursday, September 16, 2010

Ako na ang bahala sa nana ng tigyawat mo, Boy Hudas.

Ako na ang bahala sa nana ng tigyawat mo, Boy Hudas.

                Sa mga panahong natutulala ka, maraming ideyang nagtritrip-to-Jerusalem sa mumunti mong utak, ung iba nagjujumping jack, yung iba tinitira ka ng sumpak.  Yun bang pilit kang ginigising para malaman mong hindi ka gising kahit gising ka.  Lage natin sinasabing bulok ang sistema ng Pilipinas.  Lage natin sinasabing bobo ang mga artistang pumapasok sa pulitika.  Lage nating ipinangangalandakan na ginagago lang tayo ng mga gameshow.  Bakit? Kahit kailan ba, hindi ka nagmura, nagtapon ng balat ng candy sa EDSA, nanghusga ng taong hindi mo kakilala at pabulong na sumagot sa magulang mong wala namang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng anak niya? Kung hindi pa nga, very good.  May karapatan kang sabunutan ang pangulo.  Pero kung nagawa mo na ‘to, ako mismo sasapak sa ulo mo.  Ang mga artista at mga gameshow ay nakakapagpangiti rin ng mga tao.  Kung hindi ka pa napapangiti ng mga ito, magpacheck up ka na dahil malamang hindi ka tao.  Nakakapagpasaya sila ng tao.  Hindi nga lang lahat.  Kung ganoon, imbes na maging kritiko na walang ibang ginawa kundi maghanap ng butas at mambutas kung wala na talaga makitang butas, bakit hindi ka na lang magsilbing payaso at tugunan ang pangunahing pangangailangan ng iyong kababayan, ang kasiyahan.

                Bigyan mo ng buhay ang buhay ng iba.  Buhayin mo ang buhay mo. 


By: Aze Eversen A. De Castro 

No comments:

Post a Comment