Thursday, September 16, 2010

Baka si Betty Boop?

Baka si Betty Boop?

                Isang umagang punong puno ng pangarap at pagmamahal. Last day na ng klase.  Dumating na ang prof ko.  Si Maam Tionko.  Halos lahat ng kaklase ko sinusumpa siya.  Hindi rin namen alam kung bakit ang haba ng buhay niya.  Baka may sa demonyo o ano.  Lagi niya kasi kameng pinapagalitan.  Kapag maingay kame, galit.  Kapag tahimik kame, galit.  Kapag nasa gitna lang, nasa gitna rin ang galit niya.  Siguro kung pwede niya kame pagbawalang huminga ay gagawin niya.  Pero sandali, iba ang eksena ngayon.  May dala siyang supot.  Ano kaya ang laman non?  Makulay e.  Jolens? Kissess na nanganganak?  O baka nahanap na niya ang kayamanang inaasam asam ng pangulo na matatagpuan lamang sa dulo ng rainbow?
              
              Tsokolate lang pala. Pinagpasa-pasahan ng aking mga kaklase ang nasabing instrumento ng panguuto.  Kunwari ay  tuwang tuwa.  Pero tingin ko, kakainin lang namen ito kapag sinabi niyang may incentive ang paglunok sa tsokolateng naglalaman ng lason mula sa palakang Bukidnon.

Ang klasrum namen.  Minsan malamig, tipong nagkukumpol-kumpol kame sa gitna ng room para makagawa ng temporary incubator.  Advantage: It promotes teamwork and camaraderie.  Minsan mainit.  Para kang nasa sauna.  Tipong pwede mong katasan yung katabi at inumin ito para mapawi ang uhaw sa lalamunan mo.  Advantage: You’ll get to know him/her more (In tagalog, malalaman mo kung may putok ba yung crush mo).

                Siguro nakakaapekto rin ang iba’t ibang klase ng tao sa temperatura ng kwarto na ito.  Merong mga taong baliw. At merong mga taong mas baliw.  Walang matino.  Pero lahat matalino.  Lahat ay nagtataglay ng Jimminy Cricket na siya lang ang nakakakita at nakakarinig.  Merong mga taong takot mapanis ang laway, ayaw pagpahingahin ang bunganga at akala mo mamamatay kapag hindi nakapagsalita.  Meron din namang mga tao na kung hindi nakazipper ay nakaistapler ang bibig.  Pinagbawalan siguro ng may kapangyarihan na magsalita ukol sa magaganap na laban ni Pacquiao at Dela Hoya( parang laban ni Son Goku at ni Nubita).  Merong mga nature lover na hindi sinasayang ang mga papel na pinaghirapan at pinagpawisan ng mga illegal logger.  Meron din namang mga future pulis na kapag hindi mo binigyan ng papel e siya pa ang galit at pagbabantaan ka pang isusumbong ka sa awtoridad sa dahilan na wala siyang papel at ayaw mo siyang bigyan. Sira ulo. Meron ding mga batang nagrarasyon ng tubig samen araw araw gamit ang mga walang kamatayang “tumbler”.  At meron ding mga katulad ko.  Mga batang nagbayad ng tuition fee para magdaydream, mamboso, at magmahal sa apat na sulok ng kwartong ito.  Isang taong punong-puno ng pangarap at pagmamahal.    

By: Aze Eversen A. De Castro

2 comments:

  1. high school palang ako, malapit na mag-college. susulitin ko na buhay estudyante ko bago pa ako magsawa sa pagtratrabaho.

    ReplyDelete