Thursday, September 16, 2010

Tao lang ang pangulo, nasasaktan din.

Tao lang ang pangulo, nasasaktan din.

Saleslady: Yes sir, good morning! Ano po sa kanila?

Aze: (Hindi nagsalita, hindi namansin at nagpraktis ng brisk walking papunta sa kanyang inahin.)

                Hindi mabaho ang hininga ko (toothpaste pinalaman ko sa pandesal na inalmusal ko).  Hindi ko rin naman siya pinagdududahan na isang maligno.  Ewan ko ba kung bakit ako ganito at kung bakit karamihan sa atin ay katulad ko.  Pwede naman natin sabihing “Ay, pasensya na po hindi po ako bibili.  Nagiikot-ikot lang po ako.  Good morning din po.”  Exempted ka kung pipi ka.  Pero kung okay naman ang pagkaprograma ng matalas mong dila.  Aba aba.  Tulad ko ay wala ka rin karapatang magisnob-isnoban dahil anumang oras ngayon ay pwede nila tayong ipakulam at ipasara ang lahat ng butas ng ating katawan.
                
               Pero diba the customer is always right?  P@ki*g  S#et!!! Sino kaya ang nagpauso nito?  IDOL.  Ibig sabihin pwede ako manghipo ng mga saleslady nang hindi napapakanta ng Bayang Magiliw (ay, Lupang Hinirang pala), Ako ay Pilipino at Lean like a Cholo?

Saleslady:   Yes sir, good morning! Ano po sa kanila?

Sean:  (Hinawakan ang makinis at maputing legs ng dalaga at unti unting ginapang ang mga daliri patungo sa salungguhit.)

Saleslady:  Ahhhmm..sir,, hhmm..e…e..eto pong saaa taaaass…aahhh…mmaaaydddi..discount..5othh a..a…anniversaaarrryy…po kaassiii…nameeenn…siiirr,,hiiindii ako sii maam… 

Sean:  Kasama na ba ang discount ng Senior? (tsaka pag pari?)
               
                Banal na naging kriminal pa.  Exaggerated to.  Pero ang totoo, sa kakasabi na ang customer ang laging tama, mas nabibigyan sila ng motibo na apihin ang mga empleyado.  Mas lalo silang sinasapian ng espiritu na habang buhay maghahanap ng sasampaling Claudine Barretto.

Sa mga jip, may mga pasaherong ayaw iabot ang bayad mo.  Binabasa ko ang nasa isip nila.  Pinipilit kong maging mutant.  Pinipilit kong idolohin ang mga professor ko (alam daw nila ang tumatakbo sa isip ng mga estudyante. ano sila? Diyos?).  Eto ang konklusyon ko:

Pasahero:  Ma, bayad ho. Diretso yan.
Pasahero 2: (Tulog)
Pasahero 3: (Maangas. Nakatitig lang kay pasahero)
Pasahero 4: Sa isip niya: “Iaabot ko ba o hahayaan kong sila na ang mag-abot para matuto sila?”
Pasahero 5: Shet. Naiwan ko wallet ko.
Pasahero 6: Shet. Wala siyang wallet. Wala akong kita ngayon. Putang-ina.

                Kung si Santa Claus kaya ang drayber at pinangakuan niyang reregaluahan ng isang sakong NFA rice sa darating na Pasko ang kung sino man na maunang mag-abot nung barya-baryang pamasahe ni pasahero, uunlad kaya ang Pilipinas?
                
                Bakit kasi hindi na lang natin iabot kaagad? Ginagawa nating komplikado ang mundo.  Hawak na natin ang tama pero naghahanap pa rin tayo ng tama.  Doon tayo nagkamali.  Subukan mong ipalaman ang dila mo sa tinapay na kinakain mo.  Baka sakaling malasahan mo na rin ang sarap ng pagiging isang Pilipino.

By: Aze Eversen A. De Castro

No comments:

Post a Comment