Thursday, September 16, 2010

Sinong unang mamamatay, itlog o manok?

                 Noong highschool ako, may cleaners.  Pero nung nag-college na, wala na.  Tapon dito, tapon doon. Upos dito, bubble gum doon.  Yung paglilinis ng basura natin inaasa na sa iba.  Inaasa natin sa iba na tayo mismo ang nagungutya.  Subukan mong maging isang basurero.  Parang mas itinuturing  pa na tao yung anino mo kaysa sa iyo.  Maliit lang daw ang mundo. O siguro sadyang napakalaki lang talaga ng mga ulo nating mga walang modo.

                Isipin mo. Oras na magkarally, siguradong magkakatrapik.  Dahil unti-unting pumapatak ang oras.  Unti-unti ring pumapatak ang mga pawis at patuloy tayong nababanas.  Pagkaraan ng ilang segundo ay mauubos ang mga krudo.  Magagalit ang mga drayber sapagkat pagkamahal mahal nito ngunit hindi naman nila nagagamit ng solido.  Sunod na magagalit ang mga nagmamadali, late na sa trabaho o eskwela, natatae o kaya naman ay hinahabol ng missile.  Kinabukasan, lahat nang nagalit kasali na sa rally.  Lahat galit sa gobyerno.  Lahat isinusumpa ang pangulo.  Lalo lang nagkagulo.  Nasaan na ang diwa ng pasko?

                Tayo tayo lang din ang naggagaguhan.  Pare-pareho lang tuloy tayong nahihirapan.  Iisa lang naman ang solusyon sa mga utang at kalokohan ng bayan e. Pumasok ka sa simbahan, abangan ang Ama namin, makipaghawak kamay sa katabi mo kahit may ketong man yan o pasmado. At bago lumabas sa munting tahanan ay siguraduhing nakapagabot ka ng kapayapaan.  Siguraduhin mo na ang puso mo ang siyang nagsisilibing sabsaban.

                Ngayong pasko, magtulungan tayo.  Mula sa mga sanggol na umiiyak sa loob ng sinapupunan hanggang sa mga binatang humahalakhak sa inuman hanggang sa mga kaluluwang katsismisan na ni kamatayan, sama-sama tayong lumuhod sa Baclaran.  Ipagdasal natin ang pagbabago sa ugali ng bawat demonyong nagkorteng tao.

                Kung may mga batang takot sa lobo, paniguradong may mga tao pa ring takot kay Kristo.  Iwanan mo muna sandali ang punyetang Algebra at sa halip ay magnotes ka sa misa.

By: Aze Eversen A. De Castro

2 comments:

  1. ang hilig magreklamo ng mga tao kaya sila rally nang rally. bakit ang gobyerno? hindi naman nagrereklamo ang gobyerno kapag may mga batugan, tamad magtrabaho, pasaway sa batas at iba pang salot ng lipunan. paano nalang kung magrally din ang gobyerno? bago magreklamo ang mga tao dapat umpisahan muna nila sa sarili nila ang pagbabago.

    ReplyDelete